
Moving on , alam ko na marami sa atin ngayon lalo na ang mga Millennials ang nakakaranas ng ganito. Sa mga ganitong sitwasyon may iba’t iba tayong klase ng pag momove on? Pero sa panahon ngayon halos broken hearted ang gumagawa nito o ang nag momove on. Bakit nga ba tayo tayo nag momove on? Paano nga ba ito nag sisimula? Ano nga ba ang paraan para matapos/masulusyunan ito? LETS FIND OUT!

Bakit nga ba tayo nag momove on?
Nag momove on ang isang tao dahil gusto nila, gusto nilang makaalis sa sitwasyong nahihirapan sila. Gusto ng wakasan ang mga problema at sakit na dinadala nila sa araw-araw. Tinatapos ang mga bagay na alam nilang nag papaalala sa kanila sa mga bagay na nakasanayan nila noon na ngayon ay nag papahirap na sa sarili nila. Gusto nilang mag move forward sa mga bagay na kinasanayan nila na ngayon ay isa na lang alaala.

PAG-AAWAY
Ito ang isa sa pinaka nagiging dahilan kung bakit may mga taong hindi nagkakaintindihan o nagkakaunawaan kaya ang isang retionship ay napupunta sa isang hiwalayan ng walang sapat na dahilan dahil sa mga sarili nilang kagagawan at hindi pag uusap ng maayos sa isa’t-isa.

Kaya marami ngayon ang nag momove dahil sa kasawian sa pag ibig na akala nila yun na talaga, akala nila na tatagal, na pang habang buhay pero ito din pala ang magiging dahilan kung bakit nasasaktan ang isang tao. Dahil sa pagiging broken hearted ng isang tao nawawalan sila ng tiwala sa lahat, natatakot na masaktan ulit, natatakot na harapin ang panibagong buhay na darating sa kanila. Pero alam nyo bang hindi ito dahilan para mawalan ng tiwala sa lahat? Kaya nga tayo may salitang MOVE ON means it’s time para kalimutan mo ang mga bagay na nagpahirap sayo noon, bagay na nag bigay sayo ng sobrang sakit. Yan yung way para baguhin at ayusin ang sarili mo. Matuto tayong bitawan ang mga taong hindi naman worth it sa pag mamahal na binibigay natin dahil habang tumatagal na hinahawakan natin sila mas lalong lalalim ang sakit na dulot nito.

Lagi nyong tatandaan na ang salitang move on ay isang way para ayusin ang mga bagay na nasira noon. Ito ang simula para itama ang maling nangyari noon at gumawa ng panibagong masayang alaala. Mag move on sa masamang alaala na noon at kalimutan ito ng tuluyan at bumuo ng panibagong alaala. Hindi porke nasaktan tayo noon ay makakalimutan na nating mag patawad. Hindi porke nasira ng ibang tao ang tiwala natin ay mawawalan na tayo ng tiwala sa lahat. Hindi porke nasira ang pag mamahal natin sa isang tao ay matatakot na tayong mag mahal muli. Oo, masakit ito pero hindi ito dahilan para hindi mag patuloy isipin natin at gawin natin itong isang inspirasyon dahil kung hindi dahil sa nangyaring ito sa atin/kanila hindi tayo matututo. Dahil dito natututo ang isang tao na mas mag ingat o ayusin at hindi na maulit isang pagkakamaling nangyari noon na ngayon ay naging isang leksyon sa bawat isa sa atin na tumayo sa panibagong araw o panahon na binigay sa atin ng Diyos. Huwag tayong matakot na pumasok ulit sa isang relasyon kase kung hindi dahil dito hindi tayo matuto. Lahat naman dadaan sa ganun isipin mo na lang lagi na “KUNG MASASAKTAN KA, MASASAKTAN KA PART YAN NG LIFE DADAAN AT DADAAN TAYO DYAN. TULOY LANG ANG BUHAY DAHIL SA MGA SAKIT NA MARARANASAN NATIN SA BUHAY ITO DIN ANG MAG BIBIGAY SA ATIN NG LAKAS NG LOOB PARA HUMARAP SA HINAHARAP. KAYA NANGYARI ITO KASE MAY MAS BETTER NA MANGYAYARI/PLANO SA ATIN. PAG SUBOK ANG MAG BIBIGAY SA ATIN NG TIBAY NG LOOB KAYA WAG KAYONG MATATAKOT NA MASAKTAN MULI!”
Moving on doesn’t mean you forget about things,It’s just means you have to accept what happened and continue living.
Not everyone is meant to be in your future, some people are just passing through to teach you lesson in life.
There’a nothing left for you in that space, so let go and move on.
If someone is stupid enough to walk away from you, be smart to let them go.













